Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Linggo ng madaling araw, Mayo 7, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 3:38 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 365 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 50 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks.

National

#WalangPasok: Klase sa ilang mga lugar sa bansa, suspendido sa Nov. 11, 2024

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.