Humigit-kumulang 25,000 mga residente sa Alberta, Canada ang napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan matapos umanong sumiklab ang 103 wildfires sa lalawigan.
Sa ulat ng Agence France Presse, libu-libong pang mga residente sa kalapit na lugar ang sinabihang maging handa sa paglikas dahil sa malalaking sunog.
Ang lalawigan ng Canada -- isa sa pinakamalaking rehiyong gumagawa ng langis sa mundo -- "ay nakakaranas ng mainit, tuyong bukal at sa sobrang pag-aapoy, ang kailangan lang ay ilang mga kislap upang mag-apoy ng ilang tunay na nakakatakot na sunog,"
Ayon kay Alberta Premier Danielle Smith, ang Alberta, isa sa pinakamalaking rehiyon na gumagawa ng langis sa buong mundo, ay nakararanas ngayon ng mainit na panahon at tuyong mga bukal.
“With so much kindling, all it takes is a few sparks to ignite some truly frightening wildfires," ani Smith sa ulat ng AFP. “These conditions have resulted in the unprecedented situation our province is facing today."
Sa isang Twitter post, sinabi naman ni Federal Emergency Preparedness Minister Bill Blair na nakahanda ang Ottawa na magkaloob ng federal assistance kung kinakailangan para sa mga naapektuhan ng sunog.
Tinatayang 122,000 ektarya (301,000 ektarya) na umano ang nasunog sa kasalakuyan.