Dalawang dating miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa 1st Provincial Mobile Force Company ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) nitong Sabado, Mayo 6.
Ayon kay NEPPO chief Col. Richard Caballero, ang unang nagbalik-loob sa pamahalaan ay isang 62-anyos na lalaki at taga-Gen. Mamerto Natividad, Nueva Ecija.
Naging miyembro rin ito ng Katipunan ng mga Samahang Manggagawa/Federation of Labor Organization (KASAMA) na Underground Mass Organization (UGMO) ng grupong Kadamay.
Isa namang 52-anyos na babae, taga-Balaring, Gen. Mamerto Natividad, ang sumurender sa pulisya.
Dati rin siyang miyembro ng Militia ng Bayan-KLG Sierra Madre.
Isinuko ng mga ito ang isang Cal. 22 revolver at mga bala nito, at Cal. .38 revolver na may kargang apat na bala.