PHNOM PENH, Cambodia - Nasungkit ni Annie Ramirez ang ika-6 na gintong medalya sa jiu jitsu sa 32nd Southeast Asian (SEA) Games nitong Sabado.
Tinalo ni Ramirez ang katunggaling si Thi Thuong Le (Vietnam) sa women's ne-waza nogi 57kg class.
Nauna nang pinaluhod ni Ramirez sina Mab Sokhouy (Cambodia) at Orapa Senatham (Thailand) sa Chroy Changvar Convention Center kaya tuluyang naiuwi ang gold medal.
Ito na rin ang ikatlong gintong medalya ni Ramirez sa magkaibang weight division--una sa 55kg noong 2019 Manila edition at ang ikalawa ay sa 62kg noong 2021 Vietnam meet.
“Hindi lang halata pero ang sarap ng feeling kasi pangatlo ko na 'to sa SEAG," sabi ni Ramirez.
Bago ito, humablot na ng ika-5 na gold medal ang Pilipinas matapos mag-kampeon si Pinay karateka Sakura Alforte laban kay Vietnamese Nguyen Thi Phuong sa finals ng women's individual kata.
Kristel Satumbaga-Villar