Ang mga bahagi ng Cainta sa Rizal at Pasig sa Metro Manila ay mawawalan ng tubig hanggang anim na oras mula Mayo 9 hanggang 10.

Sa isang advisory, inihayag ng Manila Water na ang ilang bahagi ng Barangay San Andres sa Cainta at ilang bahagi ng Barangay San Miguel sa Pasig City ay makararanas ng water service interruption simula alas-10 ng gabi sa Mayo 9, Martes, hanggang 4 a.m. sa Mayo 10, Miyerkules.

Sinabi ng Manila Water na ang water service disruption ay dahil sa leak management activity na gagawin sa inihayag na petsa at oras.

Nel Andrade

National

'Carina,' mas lumakas pa; 3 lugar sa Luzon, nakataas sa Signal No. 1