Posible nang mabago ang minimum health standards sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).

Nitong Mayo 5, sinabi ng DOH na magpapatawag ito ng pagpupulong sa mga miyembro ng Covid-19 inter-agency task force ng bansa upang pag-usapan ang pagpapabago.

"The DOH will convene the members of the Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) to discuss and reassess policies and other guidelines affected by the declaration," pahayag ng nasabing kagarawan.

Dagdag pa nito, "The DOH guarantees the Filipino people that all factors in determining our next action in line with the WHO’s proclamation will be considered and discussed for the approval of the President."

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ito ay matapos ideklara ng World Health Organization (WHO) na ang Covid-19 ay hindi na isang global health emergency.

BASAHIN: Covid-19, hindi na global health emergency – WHO

“[It is] with great hope that I declare Covid-19 over as a global health emergency,” saad ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na iniulat ng Agence France Presse.

Tinatayang hindi umano bababa sa 20 milyong indibidwal ang nasawi dahil sa pandemya na puminsala rin sa ekonomiya ng iba’t ibang mga bansa.