CEBU CITY – Pinalawig ng mga tanggapan ng Land Transportation Office-Central Visayas (LTO-7) ang oras ng operasyon simula sa Sabado, Mayo 6, sa tagubilin ni LTO-7 Director Victor Emmanuel Caindec.
Sa ilalim ng setup, ang mga opisina ng LTO-7 ay magpapatakbo ng mas mahabang oras tuwing weekdays at tatanggap ng mga transaksyon tuwing Sabado.
Inatasan ni Caindec ang lahat ng opisina ng LTO sa Rehiyon 7 na magpatupad ng pinahabang oras ng pagtatrabaho tuwing weekdays at Sabado para sa mga licensing transactions lamang.
"In the best interest of the service, all offices with licensing transactions should operate on Saturdays starting May 6, 2023, and until further notice, even those without pending transactions," mababasa sa kautusan ni Caindec, Mayo 5.
Calvin Cordova