Nakakabilib talaga ang mga netizen at viewers sa pagsipat ng mga "mali" o kuwestyunableng detalye sa mga bagay-bagay na makikita sa isang palabas, gaya na lamang sa telebisyon.

Nagdulot ng katatawanan ngayon ang isang eksena sa patok na seryeng "FPJ's Batang Quiapo" kung saan nanlibre sa kaniyang mga kaibigan ang karakter na si "David" na ginagampanan ng aktor na si McCoy De Leon.

Makikita sa resibo o bill ng kaniyang bayarin na ang total ng kaniyang babayaran ay nasa ₱8,168 gayong kapag inisa-isa ulit ang computation nito ay naglalaro lamang sa ₱4,076.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Mali computation hahaha."

"Ano ba 'yan, sinasadya bang ganyan para pag-usapan? Mali naman computation hahaha."

"4076 ang total.. Grabeeee ang taas ng vat halos kalahati."

"Sabi ko na nga ba may mali hahaha."

"Mali yung pagkuwenta hahaha, pati ako napa-compute eh."

"Makatotohanan talaga lagi mga kaganapan dito."

Samantala, biro naman sa page ng TV5 kung saan ibinahagi ito, "Wuooouuuyyyy wala kaming kinalaman sa computation! Nalasing na rin ang cashier."

"Lasheeennggg din ang cashier beh. Lasing din sina David kaya no time porda compute."

Noong nakaraan naman, napansin naman ng mga netizen ang isang lalaking parehong nasa isang eksena subalit magkaiba lamang ng role dito.