Inaresto ng pulisya ang isang 37-anyos na lalaki sa isang buy-bust operation sa Taguig nitong Biyernes, Mayo 5.

Isinagawa ng Taguig police’s Drug Enforcement Unit (DEU) ang operasyon sa kahabaan ng Bañares Street sa Barangay Central Bicutan dakong alas-10:15 ng gabi na humantong sa pagkakaaresto sa suspek na si Vincent Jalandoni.

Si Jalandoni ay nakuhanan ng pulisya ng siyam na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 50.65 gramo na may kabuuang halaga na P344,420. Narekober din ng pulisya ang P500 bill na ginamit bilang buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa custodial facility ng Taguig police habang ang mga droga ay ipinadala sa Southern Police District Forensic Unit para sa chemical analysis.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Jonathan Hicap