Tinanggal ng ng NLEX sa kanilang koponan si JR Quiñahan dahil sa pakikipagsuntukan sa 'ligang labas' sa Cebu kamakailan.
“The NLEX Road Warriors have decided to terminate the remaining contract of Joseph Ronald "J.R." Quiñahan,” pahayag ng social media post ng NLEX nitong Sabado.
“Following a thorough investigation, it was found that Quiñahan had committed several infractions of his Uniform Players’ Contract, including, among others, playing in unsanctioned games without seeking clearance from NLEX management and the Philippine Basketball Association," anang NLEX Road Warriors.
Nilinaw din ng koponan na maaari nang pumirma o kunin ng ibang koponan si Quiñahan dahil isa na itong free agent.
Matatandaang kasama si Quiñahan sa pinagmulta ng Philippine Basketball Association (PBA) matapos mag-viral ang video ng pagkakasangkot nito sa suntukan sa pagsabak nito sa "ligang labas."
Dati nang pinagmulta si Rain or Shine player Beau Belga matapos maglaro at madawit sa gulo sa "ligang labas."
Bukod kina Belga at Quiñahan, pinagmulta na rin ang walo pang manlalaro ng PBA dahil sa paglalaro nang hindi nagpapaalam sa kanilang koponan kamakailan.