Hangang-hanga ang Magandang Buhay hosts na sina Songbird Regine Velasquez, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa adbokasiya ni “Fearless Diva” Jona Viray na isang certified furmom ng nasa mahigit 70 rescued cats and dogs.

“Nung bata pa lang din ako. Gustong-gusto ko mag-alaga ng aso, pusa, birds. Kaya lang hindi pwede kasi ‘yung kapatid ko may asthma so late bloomer ako nagkaroon ng mga alaga,” pagbabahagi ng Kapamilya singer sa episode ng Magandang Buhay nitong Huwebes.

Dagdag pa ni Jona, ang kaniyang manager talaga ang nag-inspire sa kaniya na kumupkop at isalba ang mga nadaratnang aso’t pusa sa kalye na kadalasa'y maysakit o talaga marurumi ang sitwasyon.

“‘Yung iba biktima ng hit and run,” sey pa ng singer at inihalimbawa nga si Pongi na kaniyang kasama sa programa.

Relasyon at Hiwalayan

Arra San Agustin, ayaw ng may kahati sa relasyon: 'Alam ko worth ko!'

“Yung iba naman talaga namang na-neglect na sa kalsada. Wala nang mga balahibo, punong-puno ng pulgas, mga ganong sitwasyon,” pagpapatuloy ni Jona.

Maging si Songbird ay witness din ng kabaitan ni Jona sa mga hayop.

“Jolens, ito si Jona, humihinto sa EDSA ‘yan para mag-rescue ng kuting,” pagbabahagi ng OPM icon sa kapwa hosts.

“Humanga ako rito kay Jona sa kanyang love and passion niya sa pag-rescue ng mga animals,” dagdag ni Songbird.

Kinilala naman ni Jona ang parehong dedikasyon ng kaniyang manager na si Arlene Meyer at noo’y road manager para sa kaniyang naging adbokasiya.

“Actually, hindi ko naman talaga magagawa mag-isa without the help of course, si Ate Arlene at RM [road manager] ko nun na si Mau. Parang kami ang mini team sa pagre-rescue,” sey ng singer.

Para naman sa mga hindi planadong pag-rescue, sinisiguro naman ni Jona na lagi siyang may dog at cat food sa sasakyan sakaling kailanganin para mapaamo ang madaratnang pusa o aso sa daan.

Noong 2022 nang ibahagi ng singer na nagpatayo siya ng isang animal shelter sa Rizal, isa rin ito sa mga dahilan kung bakit hindi muna nakita ng publiko si Jona sa ilang programa sa TV.

Basahin: Jona Viray, nagpatayo ng animal shelter para sa kanyang higit 70 rescued cats and dogs – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Basahin: Jona, gumagastos ng ₱70K kada buwan para sa mga alagang aso at pusa – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Andun ‘yung fulfillment kasi nakagawa ka ng good deeds especially sa mga voiceless na creatures,” sey naman ng Tawag ng Tanghalan hurado habang nilinaw ding “hindi madali” ang ginagampanang adbokasiya na kumakain ng panahon at ilan pang aspeto.

“Like one time papunta ako ng event sa Sofitel tapos we had to stop somewhere para i-rescue ‘yung pusa na nasa gitna ng EDSA,” halimbawa nga ng Kapamilya singer na guguguling oras at effort para sa stray animals.

Si Jona maliban sa kaniyang kilalang husay sa pag-awit ay isa rin sa mga minamahal na celebrities dahil sa kaniyang pagmamahal naman sa mga hayop.