Isang indibidwal ang namatay habang 21 naman ang nasugatan matapos yanigin ng magnitude 6.5 na lindol ang bansang Japan nitong Biyernes, Mayo 5.

Sa ulat ng Agence France Presse, sinabi ng crisis management official in Suzu na nahulog ang biktima sa hagdan nang mangyari ang nasabing lindol na tumama sa gitnang rehiyon ng Ishikawa bandang alas-don ng hapon.

Nasugatan naman umano ang 21 indibidwal matapos gumuho ang ilang mga gusali sa lugar.

Binalaan naman ng weather officials ang mga residente sa mga posibleng aftershocks at pagguho ng lupa sa mga susunod na araw.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ayon sa Japan Meteorological Agency, yumanig din sa lugar ang magnitude 5.8 na lindol bandang 10:00 ng gabi.

Niyanig naman umano ng magnitude 5.5 na lindol ang baybayin ng Aomori Prefecture nitong Sabado ng madaling araw, Mayo 6.

Gayunpaman, wala umanong banta ng tsunami sa lugar.