Binigyang-diin ng isang public health expert na si Dr. Anthony “Tony” Leachon ang pangangailangan para sa patuloy na pagbabantay laban sa Covid-19 sa kabila ng anunsyo ng World Health Organization (WHO) na tapos na ang global health emergency.
“I welcome WHO[’s] announcement that Covid pandemic is not a global emergency at this point in time. [T]he global health emergency [is] over, but Covid-19 hasn’t gone away. Precautions are still necessary for many, and we must fix what the pandemic has broken and exposed in our health system and society,” ani Leachon nitong Biyernes.
Para sa dalubhasa sa kalusugan, ang mga paghahanda tungo sa COVID-19 endemicity ay dapat suportahan ng solidong pagbabakuna at booster program, patuloy na pagsunod sa pinakamababang pamantayan ng publiko, at paghirang ng isang kwalipikado at permanenteng kalihim ng kalusugan.
“Covid-19 will continue to be a health threat in a country with [a] fragile and weak healthcare system. We need to be relentless in our preventive health education,” pagpapatuloy ni Leachon.
Ang bansa ay patuloy na nagtatala ng mga bagong kaso ng Covid-19. Sinabi ng Independent OCTA Research group niyong Biyernes na ang nationwide positivity rate ay nasa 17.8 percent - isang bilang na medyo mas mataas kumpara sa inirerekomendang 5 percent benchmark ng WHO.
Charie Mae F. Abarca