Binati ni United State (US) President Joe Biden sina King Charles III at Queen Camilla ng United Kingdom (UK) sa kanilang koronasyon nitong Sabado, Mayo 6.

Sa kaniyang Twitter post, binanggit din ni Biden, na hindi nakadalo sa koronasyon, na ang pagkakaibigan ng US at UK ay nagsisilbing lakas sa mga toang naninirahan sa dalawang bansa.

“Congratulations to King Charles III and Queen Camilla on their Coronation. The enduring friendship between the U.S. and the U.K. is a source of strength for both our peoples,” ani Biden.

“I am proud the First Lady is representing the United States for this historic occasion,” dagdag niya.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Samantala, matatandaang dumalo sa naturang koronasyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na nakapanayam pa si King Charles sa Buckingham Palace Reception bago magsimula ang seremonya.

BASAHIN: ‘Bago ang koronasyon ni King Charles III’: PBBM, binanggit ang ‘thriving relationship’ ng PH, UK

Nagtungo naman si Marcos sa London matapos ang kaniyang apat na araw na offcial working visit sa Washington, DC kung saan nakipagpulong siya kay Biden.

BASAHIN: PBBM, Biden, sinigurong pagtitibayin alyansa ng US, ‘Pinas