Kasama ka rin ba sa mga bata noon na “adik na adik” sa joystick computer games tulad ng Super Mario at Mortal Kombat?

Para sa katulad ng 22-anyos na si Ralph Glare Malazarte, mula sa Davao City, naging masaya ang kaniyang childhood dahil sa mga larong kalye kasama ang kaniyang mga kaibigan at kaklase sa elementarya.

Ngunit ang pinakanagbigay-kulay umano sa kaniyang pagkabata ay ang paglalaro sa joystick computer games ng kanilang kapitbahay.

“‘Yang joystick computer games kasi bihira lang naman makalaro niyan dati. At isa ako sa mga swerteng bata na nakapaglaro niyan, kaya halos buong araw babad ako kalalaro niyan,” pagbabaliktanaw ni Malazarte.

ALAMIN: Mga panganib na dulot ng lindol at mga dapat gawin upang maging ligtas dito

Sampung taong gulang daw siya nang talagang maadik sa paglalaro sa joystick computer games.

Noong mga panahong iyon, sa halagang piso ay nakapaglalaro na raw siya sa loob ng tatlong minuto.

“Hindi ko binibili baon ko kasi ilalaro ko diyan pag-uwi, mga larong Mortal Kombat, Sonic, Top Gear, Super Mario, Street Fighter, tsaka marami pang iba na sobrang nakakaaliw laruin. Mga kababata, kapitbahay ko halos mga kasama ko sa paglalaro,” kuwento ni Malazarte.

Ngayong 22-anyos na si Malazarte, hindi raw mapagkakaila na ang nasabing joystick computer games ng kanilang kapitbahay ang isa sa mga naaalala niya kapag pinag-uusapan ang kaniyang childhood.

Hanggang sa kamakailan lamang ay napadaan daw siya sa kanilang kapitbahay at doon nakita ang nasabing joystick computer games na ngayon ay hindi na gumagana at nakaimbak na lang sa isang tabi.

No photo description available.
Photo courtesy: Ralph Glare Malazarte

“Nakakalungkot lang isipin na ‘yung nagbibigay ng saya sa’min noon, ngayon ay binalewala at kinakain na ng mga anay,” aniya.

Gayunpaman, tuluyan man daw masira ng paglipas ng panahon ang joystick computer games na pinaglalaruan nila noon, mananatili pa ring matibay at masaya ang kaniyang pagbabaliktanaw sa mga magagandang alaalang idinulot nito sa kaniyang pagkabata.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!