Bago ang koronasyon ni His Majesty King Charles III nitong Sabado, Mayo 6, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang umuunlad umanong relasyon sa pagitan ng Pilipinas at United Kingdom.

“Deeply honored to attend the royal reception with First Lady Liza Marcos at Buckingham Palace,” saad ni Marcos sa kaniyang Twitter post.

“We underscore the thriving relationship between the Philippines and the United Kingdom, which has been promising in increasing trade, investment, and cultural exchanges for the Filipino people,” dagdag niya.

Bago ang kaniyang pagdalo sa koronasyon, nakipagpulong muna ang Pangulo sa mga opisyal sa Gatwick airport sa England, kung saan nakakuha umano siya ng mahahalagang “insights” para mapabuti ang mga paliparan ng Pilipinas at mapalakas ang turismo sa bansa.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

BASAHIN: PBBM, nakipagpulong sa Gatwick Airport officials sa UK

Nagtungo si Marcos sa London matapos ang kaniyang apat na araw na offcial working visit sa Washington, DC kung saan nakipagpulong siya kay United States President Joe Biden.

BASAHIN: PBBM, Biden, sinigurong pagtitibayin alyansa ng US, ‘Pinas