Goal na goal talaga ng kabataan ang tinaguriang "Gen Z Queen" at Kapamilya star na si Andrea Brillantes, na bagama't wala pang proyekto ngayon ay abalang-abala naman sa pagiging CEO ng kaniyang sariling kompanya.
Si Blythe ay itinuturing na "youngest celebrity CEO" ngayon matapos nilang ilunsad ang kompanyang "A.B.G. Trading Inc." noong Setembre 1, 2022. Siya ay 19 anyos pa lamang noon.
Sa murang edad ay natuto nang hawakan ni Andrea nang mabuti ang kaniyang mga kinita sa pag-aartista.
"Five years old pa lang ako, alam ko na ang gusto kong gawin sa buhay ko, ang mag-artista. Pero maraming hindi nakakaalam na dream ko talaga ang magka-business for my family," aniya sa panayam.
Kaya naman walang tigil ang youngest celebrity CEO sa pagpo-promote ng kaniyang ibinebentang cosmetic products.
Noong Abril ay nagpasalamat si Blythe sa lahat ng mga sumuporta sa kaniyang negosyo. Hanggang ngayon daw ay hindi siya makapaniwalang may sarili na siyang negosyo.
"It’s been what??? 2 Months since I introduced Lucky Beauty to my family, friends, my brillants and to all of our friends from the press! Still feels like a dream!"
"Thank you for all your support. Ako na talaga ang luckiest girl," aniya.
Kalakip nito ang video ng kaniyang testing sa kaniyang beauty products.
Sey ng kaniyang fans, patuloy raw nilang susuportahan ang kanilang idolo, no matter what.