PHNOM PENH, Cambodia - Tig-isang gold medal ang kinubra nina Precious Cabuya at Jaymark Rodelas sa men's at women’s individual sa obstacle course 100-meter race sa 32ndSoutheast Asian (SEA) Games sa Chroy Changvar Convention Center Car Park nitong Sabado, Mayo 6.

Naitala ng 32-anyos na si Cabuya ang32.732 seconds upang matalo ang isa ringPinoy na si Kaizen dela Serna (35.522 seconds) sa women's side.

Dahil dito, naka-silver medal na lamang si dela Serna.

Isa ring gintong medalya ang sinikwat ni Rodelas matapos maorasan ng 25.194 seconds upang gapiin ang Pinoy na si Kevin Jeffrey Pascua (26.814 seconds).

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Nilinaw nina Cabuya at Rodelas na hindi sila nakaramdam ng pressure dahil isa lamang itong friendly competition sa kanilang teammates.

“Relaxed lang kami kasi whatever happens naman, sa Pilipinas pa rin ang ginto,” banggit ni Rodelas.

Si Rodelas ay pamangkin ni long jump queen Elma Muros.

“Ang usap lang namin ni Kaizen, puro motivation lang sa dalawa. Sobrang thankful kami kasi nakuha ng Pilipinas ang gold and silver,” paliwanag naman ni Cabuya.

Ikatlo at ikaapat na gold medal ang naiuwi nina Cabuya at Rodelas matapos kamkamin ninaKailaNapolis (jiu-jitsu) at Angel Derla (kun bokator) ang una at ikalawang gintong medalya sa opening ceremony nitong Biyernes.

Kristel Satumbaga-Villar