Isang sorpresang wedding video ang pormal na naging anunsyo ng naging kasal nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ngayo’y mister na CEO na si Jeremy Jauncey noong Marso 24.

Ito ang pasabog na pag-flex ng Pinay Miss Universe sa kaniyang Instagram nitong Biyernes, Mayo 5.

View this post on Instagram

A post shared by Pia Wurtzbach Jauncey (@piawurtzbach)

Tsika at Intriga

'Present sa pa-buffet ng suka!' Darryl Yap, binanatan sina Pokwang, Pinky Amador dahil sa pa-party ni PBBM

Sa video, makikita ang all-whte ensemble ng celebrity couple sa isang intimate beach wedding.

Napag-alamang naganap ang sikretong kasalan sa North Island, Seychelles.

Halo-halung emosyon ang mailalarawan sa maikling video kabilang na ang emosyonal na si Jeremy sa kaniyang seremonya.

Basahin: Pia Wurtzbach, may life update; nagpapahinga, naghahanda para sa kasal – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong Pebrero nang unang magpahiwatig si Pia kaugnay ng paghahanda ng kaniyang kasal kay Jeremy.

Mula nito ay nakita na ang dalawa sa iba’t ibang panig ng mundo at kalauna’y humantong sa pormal na anunsyo.

Basahin: Baklang-bakla! Pia Wurtzbach, viral na naman dahil sa pilyang hirit na Vitamin D sa fiancé – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, bumuhos naman ang pagbati sa bagong misis mula sa kapwa celebrities.

Kabilang sa mga bumati sa newly-wed sina Anne Curtis, Lovi Poe, Iya Villania, at Janine Gutierrez.

Present din para magpaabot ng congratulations ang ilang pageant personalities kabilang nina Celeste Cortesi, Kylie Verzosa, Gazini Ganados at Rabiya Mateo.

Congrats, Pia and Jeremy!