Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. na ang pagtugis sa mga sindikatong sangkot sa illegal drug trade ang prayoridad ng administrasyon upang masugpo umano ang problema sa iligal na droga sa bansa.
Sa isang post-visit briefing, sinabi ni Marcos na naniniwala siyang ang mga sindikato sa kalakalan ng iligal na droga na patuloy na nagkakaroon ng kapangyarihan at impluwensya ang siyang “main players” na dapat unang imbestigahan, at hindi umano ang mga nasa lansangang gumagawa ng small-time drug trade.
"But instead of going after everyone, we have try to identify the key areas where we have… that we have to tackle, the key areas that we have to attend to so that we can see a diminution of the activity of the drug syndicates," ani Marcos sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa Center for Strategic and International Studies (CSIS) forum.
Samantala, ipinunto rin ng Pangulo na ang hamon sa pagtugon sa illegal drug trade sa bansa ay nakasalalay din sa pagpapatupad nito.
"We are looking at the problem as a whole. We start with the errant policemen,” ani Marcos.
“We go back to the rehabilitation process for those who have unfortunately fallen into this addiction cycle, and for the young people in the country who have yet to… I hope and we hope will never enter into that kind of lifestyle to continue to educate and to give options to our young people so that they are not — they do not — they are not tempted to indulge in these activities,” saad pa niya.
Sinabi rin ng Pangulo na bumuo siya ng isang komisyon at humiling sa lahat ng mga pulis na pinaghihinalaang sangkot sa illegal drug trade na magbitiw na sa kanilang mga pwesto.
Humigit-kumulang 917 naman na umano ang naitalang nagbitiw mula sa antas ng koronel.