INFANTA, Quezon – Arestado ng pulisya ang dalawang tulak ng droga at nakuhanan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P510,000 sa buy-bust operation nitong Huwebes, Mayo 4, sa Barangay Abiawin.

Nakuha rin ng mga suspek na sina Reynaldo Saginsin, alyas “Pipoy,” 29, ng Barangay San Diego, San Pablo City, Laguna, at Jhomar Avellaneda, alyas “Kutoy,” 35, ng Barangay Ingas dito, ang isang kotse at ang marked money.

Isinagawa ng pulisya ang operasyon matapos makatanggap ng reklamo mula sa mga residente tungkol sa aktibidad ng ilegal na droga ng mga suspek.

Ang pag-aresto sa kanila ay makakabawas sa suplay ng shabu sa lugar, sabi ng pulisya.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Danny Estacio