Inuna muna ang bakasyon. Ito ang sey ni modern “Darna” Jane de Leon kaugnay ng mga nang-iintrigang tila nawala raw agad sa spotlight ang Kapamilya star matapos ang unang big break.

Sa isang ulat, pagbabagi ni Jane na fresh from her Japan at Singapore vacations, naging abala aniya siya sa mga pasabog na shoots na aabangan ng fans. Plus, dalawang movies aniya ang niluluto ngayon para sa aktres.

“Hindi lang po talaga namin pwede sabihin sa lahat and gusto namin surprise," aniya sa isang Push article kamakailan.

Dagdag ng Kapamilya star, “maraming good news” aniya ang dumating kaya’t sinusulit na muna niya ang pahinga hanggang ngayong Mayo bago muling umarangkada sa kaniyang projects.

Events

Sey mo, Shaira? Puwet ni EA Guzman, bumulaga sa fashion show

Ispluk pa ng “Darna” star, “something new” ang aabangan ng fans sa kaniya na unang nasanay sa kaniyang action-packed acting.

Samantala, tila ito na ang hinihintay na sagot ng fans mula sa naunang chikang matatagalan pa ang pagbabalik sa limelight ng aktres.

Basahin: Dahil sa ‘kaartehan sa set’ ng Darna? Jane de Leon, waley pa raw next offer sa ngayon – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong Abril, matatandaang nadawit sa “attitude” issue si Jane na dahilan umano ng kaniyang pagkabakante sa showbiz.

“Ang sabi, parang medyo mahirap daw katrabaho si Jane. Ang sabi pa medyo may kaartehan daw si Jane sa set,” sey noon ni Ogie na pinabulaanan naman ng isa pang friend na nagsabi namang sa katunayan ay “masunurin sa set” ang Darna star.

Ayon nga lang ay “hindi daw daw maintidihan ng ibang production na si Jane minsan ay may dinaramdam, masakit nag ulo” bagaman work pa rin naman ito nang work, dagdag ni Ogie.

Tila nahulaan naman ng talent manager ang naging pagsisiwalat ni Jane ngayon ukol sa mga nakalinya niyang projects.

“Hindi lang natin alam baka hindi pa nakakarating sa atin na may offer o alok pala dito kay Jane de Leon. Hintayin natin, susulpot din naman ‘yan,” sey noon ni Ogie na sa kaniyang experience naman bilang manager ay kung sa malamang ay masusundan ang oportunidad para sa aktres dahil nagbida nga ito sa isang malaking project, at Darna pa!