Certified furparent ang TV host na si Kuya Kim Atienza na nasa 35 alagang aso lang naman ang kasama sa kanilang tahanan.

Ito ang proud na iflinex ng master of trivia sa kaniyang social media kamakailan.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, ibinida mga regalo sa kaniya ni Toni Gonzaga

“We live with a pack of 35 dogs, most of them rescued aspins. People ask us if it's difficult, a little bit, but the joy they give makes everything worth it!” mababasa sa caption ng Kapuso host kalakip ang tatlong larawan ng misis habang tila nag-aabang sa kusina ng pagkain ang cute na cute na mga alagang aso.

Pawang paghanga at pasasalamat naman ang mababasa sa comment section ng post mula sa kapwa furparents na netizens para sa kawang-gawa ni Kuya Kim.

Ilang tanong naman sa host ang matiyagang sinagot nito sa parehong post.

Kabilang nga sa ibinahagi ni Kuya Kim kung paano “inaawat” ang mga alaga sa tuwing nag-aaway na ito.

“I believe all of their dogs were neutered and spayed as it will have a less aggression effect. They do not have to fight for food as it is always provided on time. They also have a space to play around. All of their excitement [was] releasedand [made] them happy at the end of the day,” tip ng host sa isang follower.

Maging ang non-governmental organization na Animal Kingdom Foundation ay nagpasalamat din sa TV personality para sa pagbubukas nito ng pinto sa mga alagang aso.

“Thank you Kuya Kim Atienza & family for rescuing and adopting, ❤️” mababasa sa caption ng grupo sa ibinahaging post.

Sa pag-uulat, pinusuan na ng nasa mahigit 8,000 netizens ang heartwarming post ng TV host.