Isa raw si Kris Aquino sa pinakamabait na taong nakilala ni Lolit Solis dahil sa pagiging matulungin nito sa kaniyang malalapitna kaibigan.

Sa isang Instagram post ni Lolit nitong Huwebes, Mayo 4, ikinuwento niya kung paano tinulungan ni Kris ang sikat na make-up artist na si BambbiFuentes nang pumanaw ang ina nito na nasa US.

"Now Salve alam mo na bakit love ko si Kris Aquino. Tignan mo na dahil alam niya grieving si Bambbi Fuentes dahil namatay ang mother nito na nasa US, agad niyang binigyan ng ticket business class para makapunta agad at maasikaso ang wake. Very compassionate talaga si Kris Aquino at alam niya how sad to lost a mother," kuwento ni Lolit.

"Iba talaga pag mahal ka ni Kris Aquino kaya masarap maging kaibigan nito. Dependable friend siya na maasahan mo pag meron kang problema. Kaya nga marami ang nagdadasal na sana gumaling na siya sa kanyang sakit," dagdag pa niya.

Bukod dito, ikinuwento rin niya ang ginawang pagtulong sa kaniya ni Kris nang lumabas ang balitang nagda-dialysis siya.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

"Sa akin nga ng lumabas na nagda dialysis ako siya ang una unang tumawag para magtanong kung ano ang puwede itulong," aniya.

Si Kris daw ang isa sa pinakamabait na taong nakilala niya kaya't ang dasal niya ay gumaling na ito sa sakit at maging mahaba at maligaya ang buhay nito kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby.

"Kaya kahit ano sabihin masasabi ko talaga na isa si Kris sa pinaka mabait na tao na kilala ko. Dasal ko na sana maging mahaba pa at maligaya ang buhay niya para narin sa dalawa niyang anak na sila Joshua at Bimby. People as nice and as sweet like Kris Aquino dapat magtagal ang buhay at dumami pa to make this world a better place to be," ani Lolit.

"Love you Kris, stay strong, gagaling ka at tatagalpa ang buhay mo, for sure. God bless you. Bongga di ba Salve at Gorgy."