Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang Ishikawa region sa Japan nitong Biyernes.

Sa ulat ng Agence France-Presse, nangyari ang lindol bandang 2:42 pm at may lalim ng 10 kilometro, ayon sa Japan Meteorological Agency.

Gayunman, wala namang banta ng tsunami sa lugar.

Dahil sa lindol, sinuspinde ang Shinkansen bullet trains na bumibiyahe sa Nagano at Kanazawa, na isa sa mga sikat ng tourist site, ayon sa Japan Railway.

Internasyonal

Sikat na nagyeyelong Mt. Fuji sa Japan, hindi nag-snow matapos ang 130 taon