Kinondena ng Malacañang nitong Huwebes, Mayo 4, ang pag-atake sa malayang pamamahayag at nanawagan ng proteksyon sa mga mamamahayag at media workers.

Sa inilabas na pahayag ng Presidential Communications Office (PCO) sa paggunita ng World Press Freedom Day nitong Miyerkules, Mayo 3, sinabi ng Malacañang na kinikilala nila ang mahalagang papel ng isang malayang pamamahayag sa pagpapaunlad ng demokrasya, pagtataguyod ng transparency, at pagtataguyod ng mga prinsipyo ng karapatang pantao.

“We honor the brave journalists who risk their lives every day to bring us the news and the stories that shape our world,” pahayag ng PCO.

Sinabi rin ng PCO na kinikilala ng Malacañang ang mga banta, intimidasyon, harassment, karahasan at iba pang hamong kinakaharap ng mga mamamahayag at organisasyon ng midya sa pagtupad sa kanilang mahalagang tungkulin.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“We condemn all attacks on press freedom and call for the protection of journalists and media workers worldwide,” anang PCO.

Sa kaparehong pahayag, muli ring nangako ang Malacañang na itataguyod ng pamahalaan ang isang “free media environment” kung saan ang mga mamamahayag ay maaari umanong magtrabaho nang ligtas at walang takot na mapaghigantihan.

“We believe that a vibrant and independent press is crucial for a healthy democracy, and we will continue to work towards ensuring the freedom of the press is protected and respected in our country,” saad nito.