Iniulat ng independiyenteng OCTA Research Group nitong Huwebes na umakyat pa at pumalo na sa 19.7% ang Covid-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) habang tumaas na rin ang hospital occupancy sa rehiyon.

Batay sa datos na ibinahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David, nabatid na ang naturangCovid-19positivity rate sa NCR, na naitala noong Mayo 2, 2023, ay pagtaas mula sa 12.7% lamang noong Abril 25.

Nagbabala naman si David na maaari pang tumaas ng hanggang 25% angCovid-19positivity rate sa NCR sa mga susunod na araw.

Samantala, iniulat rin ni David na tumaas na rin ang hospital occupancy sa NCR.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nabatid na mula sa dating 22.5% noong Abril 25 ay umabot na ito sa 24.7% noong Mayo 2.

“NCR 7-day testing positivity rate increased to 19.7% as of May 2 2023, from 12.7% on Apr 25. This could go as high as 25%. I hope not. NCR Hospital Occupancy increased to 24.7% on May 2, from 22.5% on Apr 25. #COVID19 #Covid #Arcturus,” tweet pa ni David.

Sa kabilang dako, iniulat rin naman ni David na hanggang nitong Mayo 3, 2023, ang nationwide positivity rate ng bansa ay nasa 17.1% na rin.

Nakapagtala rin aniya ang Pilipinas ng 867 bagong kaso ng sakit sa nasabing petsa, sanhi upang umabot na sa 4,096,335 ang totalCovid-19cases sa bansa.

Sa naturang bilang, 7,565 ang nananatiling aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman.

Wala namang naitalang nasawi sa sakit sa nasabing petsa, kaya’t ang totalCovid-19death sa nasa 66,444 pa rin.

Mayroon rin namang 389 bagong pasyente na gumaling na mula sa karamdaman kaya’t ang totalCovid-19recoveries sa bansa ay nasa 4,022,326 na.

“May 3 2023 DOH reported 867 new cases, 0 deaths (0 in NCR) 389 recoveries 7565 active cases. 17.1% nationwide positivity rate. 392 cases in NCR, 64 in Cavite, 58 in Laguna. Projecting 1100-1300 new cases on 5.4.23 #Covid19#covid,” ani David.

Ang positivity rate ay ang porsiyento ng mga taong nagpopositibo saCovid-19mula sa kabuuang bilang ng mga taong sumailalim sa pagsusuri.

Nasa 5% lamang ang threshold na itinatakda ng World Health Organization (WHO) para sa positivity rate ngCovid-19.