Tinatayang 57.86% examinees ang pumasa sa April 2023 Registered Electrical Engineer (REE) Licensure Examination, habang 42.21% ang pasado para sa Registered Master Electrician (RME) Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Miyerkules, Mayo 3.

Sa tala ng PRC, 3,339 ang pasado mula sa 5,771 na kumuha ng REE, habang 986 naman ang pumasa mula sa 2,336 na kumuha ng RME.

Hinirang na topnother ng REE si Christian Dave Lozano Guevarra mula sa Rizal Technological University matapos siyang makakuha ng 93.25% rating.

Kinilala naman ang Polytechnic University of the Philippines–Sto. Tomas bilang top-performing school sa naturang board exam matapos itong makakuha ng 100% overall passing rate.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Pagdating naman sa RME, hinirang na topnothers sina Nelvin dela Torre Galupo mula sa University of Eastern Philippines–Catarman at Kenneth Christian Tolentino Guiwo mula sa Isabela State University–Ilagan matapos silang makakuha ng 95% score.

Wala namang kinilala ang PRC na top-performing school sa RME.

Binigay umano ng Board of Electrical Engineering ang nasabing exams sa NCR, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Palawan, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga noong nakaraang Abril.