Tinatayang 31.84% o 4,139 mula sa 13,000 examinees ang pumasa sa April 2023 Criminologist Licensure Exam, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Huwebes, Mayo 4.

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Kenneth Olbita Dela Torre mula sa Naga College Foundation bilang topnother sa naturang pagsusulit matapos siyang makakuha ng 89% rating.

Hinirang naman ang Cagayan De Oro College bilang top-performing school sa naturang board exam matapos itong makakuha ng 87.06% overall passing rate.

Isinagawa umano ang nasabing exams mula Abril 3 hanggang 5 sa PRC testing centers sa NCR, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Calapan, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, Zamboanga, Antique, Bacolod, Bayambang, Bohol, Calbayog City, Cauayan, Dumaguete, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kidapawan, Occidental Mindoro, Naga, at Palawan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'