Naglabas na ng memorandum ang University of the Philippines (UP) Cebu Office of the Chancellor para sa pansamantalang paglipat ng mga klase sa online mode simula Huwebes, Mayo 4 hanggang Mayo 10 dahil sa Covid-19.

"Bilang tugon sa kamakailang pagtaas ng mga posibleng kaso ng Covid-19 sa campus, nagsasagawa kami ng agarang aksyon upang maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng aming komunidad sa pamamagitan ng pansamantalang paglipat sa mga online na klase," ani UP Cebu Chancellor Leo B. Malagar nitong Mayo 3.

Ang paglipat sa mga online na klase ay epektibo sa lahat ng mga kurso maliban sa mga nangangailangan ng akses sa mga studio o laboratoryo at sa programa sa high school.

Ang mga mag-aaral at kawani na mag-uulat sa lugar ay kailangang sumunod sa mahigpit na safety protocols, sabi ni Malaga.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

"Sa loob ng isang linggong panahon na ito, ang lahat ng mga silid-aralan ay lubusang madidisimpekta upang matiyak ang isang ligtas na kapaligiran sa pag-aaral sa aming pagbabalik," dagdag niya.

Luisa Kabato