Humaplos sa puso ng mga netizen ang kabayanihan ng isang nursing student na si "Julia Baguio" matapos niyang tulungan at lapatan ng first aid ang isang lalaking nag-collapse dahil sa matinding init, habang naglalakad sa kalsada sa Lapu-Lapu City, Cebu noong Abril 28.

Agad na dinaluhan ni Julia ang matandang lalaki nang humahagok itong matumba sa kalsada, na nagpapakita ng senyales ng heat stroke.

Hindi naman akalain ni Julia na may pumitik na pala sa kaniya ng litrato kaya naman agad na nag-viral ang kaniyang ginawa.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa isang Facebook post, nagbigay ng mensahe si Julia sa lahat na huwag mangingiming tumulong sa kapwa lalo na sa panahon ng pangangailangan.

"LEND A HAND IF YOU CAN INSTEAD OF BECOMING DEAF AND BLIND TO PEOPLE WHO NEEDS IT THE MOST," ani Julia.

"I cannot express my warmest appreciation to each one of you for appreciating and being proud of the act of kindness that I did Last Friday but I thank you all for the great messages that I have received from people who are my family, friends and even strangers."

"I think that you all think that it was 'HEROIC' to save someone's life but for me it should be something that we should think as something we are supposed to do because a little act of kindness could go a long way."

"It might be my time to show compassion and empathy towards people who needed a helping hands when they couldn't no longer stand on their own but your hands are not different from mine because if we all will work hand in hand, shows compassion and empathy even if It's just a normal day we all could make it happen," aniya pa.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!