Apat na pasahero ang nasaktan nang ma-activate ang automatic emergency brake ng isang depektibong tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) habang patungo sa Boni Station sa Mandaluyong City nitong Miyerkules ng umaga.

Sa abiso ng MRT-3, nabatid na ang automatic train protection (ATP) system ng tren ang nag-activate ng emergency brakes nito upang patigilin ang depektibong tren ganap na alas-9:08 ng umaga.

“At 9:08 a.m. today, the automatic train protection (ATP) system of a train, which is its safety feature, activated an emergency brake to stop a defective train approaching Boni Station,” anang MRT-3.

“The defective train resumed movement by 9:16 a.m., upon intervention by on-board technicians,” ayon pa sa MRT-3. “The train has also been removed for further troubleshooting by MRT-3’s maintenance provider.”

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nabatid na pawang minor injuries lamang naman ang tinamo ng apat na pasahero na kaagad rin namang nabigyan ng first aid ng mga Lifeline emergency medical technicians.

Kaugnay nito, kaagad ring humingi ng paumanhin si Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino dahil sa pangyayari.

Inatasan na rin anila ang lahat ng stations at security personnel na pagkalooban ng lahat ng assistance ang mga pasahero na sakay ng naturang tren nang ma-activate ang emergency brake nito.