Kasunod ng ikalawang anibersaryo ng inisyatibang Sampung Libong Pag-asa nitong Martes, nangako si Senador Alan Peter Cayetano na patuloy na isusulong ang P10,000 tulong-pinansyal kada pamilya habang kumpiyansa itong kayang pondohan ang programa ng gobyerno.

“We will continue to push for it. May pera, pero hindi priority ng gobyerno to do it that way,”anang senador nitong Martes, Abril 2.

Noong Hulyo 2022 nang ihain ni Cayetano ang panukalang batas sa Senado. Hanggang ngayon ay naghihintay pa ito ng deliberasyon sa nakaatang na komite.

Anang senador kinumpirma mismo ng Department of Finance (DOF) na mayroong nasa P200 billion na badyet para maisakatuparan ang panukala.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Ang policy ng administrasyon is ilagay y’ung iba sa PhilHealth, sa AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situations) sa DSWD, sa DOLE, sa DA, sa iba’t ibang program,”aniya gayunpaman.

“Ang mga negosyo nakabangon na, pero ang mga indibidwal hindi pa. So kung papipilahin mo pa sila sa DA, sa DSWD, et cetera, makakakuha naman pero hirap pa at hindi lahat,” pagpapatuloy ng mambabatas.

Sa kaniyang bahagi, nagpapatuloy naman ang kaniyang inisyatiba kung saan namamahagi siya ng P10,000 sa piling benepisyaryo mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Katuwang ang misis na si Taguig City Mayor Lani Cayetano, namahagi ng P10,000 tulong-pinansyal si Sen. Allan Peter Cayetano sa 60 benepisyaryo mula Metro Manila

Nitong Martes, nasa 60 bagong benepisyaryo mula Muntinlupa, Marikina, Manila, Pasay, at Parañaque ang nakatanggap ng naturang ayuda mula kay Cayetano.

“Y’ung kayamanan na dala niyo paglabas niyo dito ay hindi lang po yung P10,000. Ang dala niyo ay y’ung idea niyo kung paano palaguin ‘yon,”anang senador habang hinikayat na ilaan sa kanilang nais na negosyo ang natanggap na halaga.

“Sana you keep in touch. Kasi ang balak namin, hindi lang i-honor ang Panginoon, hindi lang i-honor kayo, kundi magkaroon ng partnership,” dagdag ni Cayetano sa potensyal na pakikipagtulungan ng mga benepisyaryo para mapalago ang kani-kanilang maipupundar na negosyo.