Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga – Apat na high-value na indibidwal ang inaresto ng pulisya sa dalawang araw na magkahiwalay na anti-illegal drug operations sa buong rehiyon nitong Mayo 2, Martes at Mayo 3, Miyerkules.

Nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang Angeles City Police Station 2 at iba pang law Enforcment unit malapit sa Angeles City Water District sa Pampang Road, Brgy Lourdes North West, Angeles City.

Unang naaresto ay si Rommel Paras alyas PAM, isang Regional High-Value Individual.

Nakuha mula sa suspek ang tatlong small to medium size na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na mahigit o kulang 55 gramo na may tinatayang street value na P374,000.00.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Arestado din sina Aiman ​​Ombar alyas Aiman, Mohammad Pangcatan, at Hamza Hadji Ali sa No.14 Holy Spirit, Sta. Rita, Olongapo City.

Nakuha mula sa tatlo ang apat na maliliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at tumitimbang ng humigit-kumulang 152.2 gramo na may tinatayang street value na Php1,034,960.00.

Larawan mula PNP

Ang kabuuang ebidensiya na nasamsam mula sa mga suspek ay pitong (7) maliit hanggang malalaking piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 207.2 gramo na may halagang DDB na Php 1,408,960.00.

Potensyal na maharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naturang mga suspek.