Pinayagan na ng pamahalaan na ibenta sa mga Kadiwa outlet ang apat na milyong kilong puslit na asukal sa mas mababang presyo.

Sa pagpupulong nitong Miyerkules, ipinaliwanag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) acting Administrator Pablo Luis Azcona, ang naturang asukal na nasa 4,000 metriko tonelada ay₱70 lamang kada kilo.

“Meron pa tayong naiiwan na nahuli na mga I think almost 6,000 metric tons. Hopefully, mare-release din ‘yun once it is proven safe and approved na for sale, for donation to Kadiwa,” aniya.

Sa pinakahuling monitoring ng Department of Agriculture (DA), naglalaro mula₱100 hanggang₱136 ang bawat kilo ng naturang produkto sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Pinag-aaralan na rin ng SRA na ialok sa mga supermarket ang mga smuggled na asukal at ang presyo nito ay katulad din sa mga Kadiwa center.

Layunin ng Kadiwa program na makatikimng abot-kayang halaga ang mga mahihirap na pamilya kung saan kikita rin nng malaki ang mga magsasaka.