QUEZON CITY - Nasa ₱1.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Central Luzon sa ikinasang anti-drug operation sa Quezon City nitong Miyerkules na ikinaaresto ng tatlong suspek.
Iniimbestigahan pa ng PDEA ang mga suspek na sina Mark Ryan Absalon Raymundo, Nestor Yabut Alabado at Heron San Antonio Bigalan.
Sa paunang ulat ng PDEA, dinampot ang tatlo sa buy-bust operation sa isang gasolinahan sa Barangay Pag-Ibig sa Nayon, Quezon City nitong Mayo 3.
Nasa 200 gramo ng illegal drugs na aabot sa ₱1,380,000 ang nakumpiska ng PDEA at pulisya sa mga suspek.
Nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na nasa kustodiya na ng PDEA.