Sinuportahan ng United Kingdom (UK) at Canada ang Pilipinas matapos magpahayag ang mga ito ng pagkabahala sa umano’y naging pag-atake laban sa mga sasakyang pandagat ng bansa sa West Philippine Sea.

Sa kaniyang Twitter post nitong Lunes, Mayo 1, binigyang-pansin ni British Ambassador to the Philippines Laure Beaufils ang mga mapanganib na aksyon laban sa mga barko sa ‘Pinas.

“The UK is concerned by continued reports of dangerous conduct towards Filipino vessels in the South China Sea,” ani Beaufils.

“The United Kingdom stands steadfast in its commitment to international law, in particular UNCLOS, in the South China Sea,” dagdag niya.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Samantala, binigyang-diin naman muli ni Ambassador David Hartman noong Linggo, Abril 30, ang panawagan ng Canada na itaguyod umano ang mga tuntuning nakabatay sa internasyonal na kaayusan sa pinagtatalunang karagatan.

“Canada reiterates its call for upholding the rules-based international order in the South China Sea. We are troubled by dangerous & unprofessional conduct in this region & unreservedly support the Government of the Philippines in enforcing its sovereign rights within its EEZ,” saad ni Hartman.

“Peace & stability in the South China Sea are essential to the interests of the international community,” dagdag niya.

Bagama’t hindi nila binanggit ang China, matatandaang isang barko ng China Coast Guard (CCG) ang umano’y humarang sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa BRP Malapascua noong Abril 23 sa Ayungin Shoal, na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.