"I take pride in being your elected President, but more than anything I am honored to stand among you and say: Pilipino ako.”

Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa kaniyang naging pagdalo kasama ang komunidad ng mga Pilipino sa United States (US).

Sa kaniyang pahayag nitong Lunes, Mayo 1 (US Time), sa Ritz Carlton Hotel, Washington D.C., binigyang-diin ni Marcos ang naging kontribusyon ng mga Pilipino sa ibang bansa sa iba’t ibang larangan.

“Kinuha na natin lahat,” ani Marcos, at sinabing sila ang isa sa mga nagiging pundasyon at nagpapalakas ng realsyon ng US at Pilipinas.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"You are valued members now of American society. Your success here has made us very, very proud back home," saad oa niya.

Sinabi rin ng Pangulo na asahan nila ang suporta at tulong mula sa pamahalaan bilang pasasalamat umano sa kanilang sakripisyo para sa kanilang pamilya at sa bansa.

Samantala, nanawagan din si Marcos sa mga Filipino-American na bumisita sa Pilipinas kasama ang kanilang mga anak at apo na upang makita ang yaman ng kultura at kasaysayan ng bansa.

"Let them see for themselves what the Philippines is about, what is our culture, what is our history,” ani Marcos.

“I’m sure the first and second and third generation Filipino-Americans are more than happy to learn about their proud Philippine ancestry. Sooner or later, we will be able to welcome you back home to the Philippines, especially those who have reacquired their Filipino citizenship,” dagdag niya.