Naglabas ng El Niño alert ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Mayo 2.

Ayon sa PAGASA, ang nasabing pag-isyu ng El Niño alert ay bunsod ng patuloy nilang pagsubaybay sa pagbuo ng mga kondisyon ng El Niño sa tropical Pacific.

“Recent conditions and model forecasts indicate that El Niño may emerge in the coming season (June-July-August) at 80% probability and may persist until the first quarter of 2024,” saad ng PAGASA.

Pinapataas umano ng El Niño ang posibilidad ng mas mababa sa normal na kondisyon ng pag-ulan, na maaaring magkaroon ng negatibong epekto tulad ng mga tagtuyot sa ilang lugar sa bansa.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Gayunpaman, sinabi ng PAGASA na maaari pa rin asahan ang higit sa normal na kondisyon ng pag-ulan sa panahon ng Southwest Monsoon season (Habagat) sa kanlurang bahagi ng bansa.

“PAGASA will continue to closely monitor the development of this ENSO phenomenon. All concerned government agencies and the general public are encouraged to keep on monitoring and take precautionary measures against the impending impacts of El Niño,” saad pa ng ahensya.