Sang-ayon ang showbiz columnist na si Lolit Solis na dapat na nga munang lumayo at dumistansya ang Kapamilya actor na si Enrique Gil sa kaniyang dating katambal at real-life girlfriend na si Liza Soberano, na nasa ibang bansa ngayon at nagbabaka-sakaling masungkit ang mga oportunidad sa Hollywood.

Para kay Lolit, magkaiba na ang landas na tinatahak ngayon ni Enrique at buwag na rin naman ang tambalang "LizQuen." Puwedeng subukan na ni Quen na makipareha na sa iba o kaya naman buhatin ang sarili bilang "solo artist." Maganda rin aniyang umiwas na si Enrique sa mga tanong kaugnay kay Liza o Hope.

"Maganda nga ang ginagawa ni Enrique Gil na umiiwas sumagot pag tinatanong tungkol kay Liza Soberano. Mas mabuti ng tahimik kesa lumabas na sumasakay siya sa mga issues tungkol kay Liza."

"Puwede naman hindi sila maging loveteam at maging solo ang mga career. Mas mahirap pa nga na madikit pangalan nila sa isa't isa pagkatapos maghihiwalay dahil iba ang career path na gusto ni Liza."

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

"Madali naman i-partner sa iba si Enrique Gil. Talented siya at professional kaya madali ang trabaho. Kaya kung gugustuhin niya, marami pa rin stars ang puwede maging katambal niya. Sa panahon ngayon mahirap ang isa lang puwede mo tambalan, dapat puwede ka kahit kanino," dagdag pa ng showbiz columnist.

Matatandaang pinagsabihan ni Lolit si Liza na wala pa namang napapatunayan subalit kung makakomento patungkol sa Philippine showbiz ay wagas.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/05/01/lolit-sa-self-destruction-ni-liza-wala-ka-pang-napapatunayan-pero-ang-yabang-mo/">https://balita.net.ph/2023/05/01/lolit-sa-self-destruction-ni-liza-wala-ka-pang-napapatunayan-pero-ang-yabang-mo/

Noong Abril ay pumirma ng exclusive contract si Enrique sa ABS-CBN at nakahandang gumawa ng proyekto sa ilalim ng Dreamscape Entertainment.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/04/26/enrique-gil-itinuturing-na-home-ang-abs-cbn-handa-na-sa-new-path/">https://balita.net.ph/2023/04/26/enrique-gil-itinuturing-na-home-ang-abs-cbn-handa-na-sa-new-path/