Kasunod nang patuloy na pagtaas ng mga naitatalang bagong kaso ng Covid-19 sa bansa, inatasan na ng Department of Transportation (DOTr) ang lahat ng railway lines sa bansa na higit pang paigtingin ang kanilang ipinaiiral na Covid-19 preventive measures.

Sa isang pahayag nitong Martes, pinaalalahanan rin ni DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, na siya ring officer-in-charge ng MRT-3, ang mga operators ng Light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT), at Philippine National Railways (PNR) na mahigpit pa ring ipatupad ang mandatory na pagsusuot ng face masks sa lahat ng kanilang mga tren at mga istasyon.

Mahigpit rin ang kautusan ni Aquino na isailalim sa mandatory COVID-19 testing ang lahat ng opisyal, empleyado at personnel ng rail lines na makikitaan ng sintomas ng Covid-19.

Nabatid na ang direktiba ay inisyu ng DOTr matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 42% na pagtaas sa average daily new Covid-19 cases na nasa 637 bagong kaso kada araw, sa huling bahagi ng Abril, 2023.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

“The Department of Transportation would like to remind all rail operators to remain vigilant and ramp up preventive measures against Covid-19, as the number of cases is still on the rise,” ayon pa kay Aquino.

“As such, we direct all rail operators to strictly enforce the wearing of face masks in all trains and stations. Furthermore, we require all officials, employees, and personnel in the railways sector to undergo mandatory Covid-19 testing should anyone suffer from symptoms of the virus,” dagdag pa niya.

Samantala, muli rin namang ipinaalala ni Aquino sa mga train commuters na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pag-uusap ng mga pasahero sa loob ng tren, gayundin ang pakikipag-usap ng mga ito sa telepono habang nakasakay sa tren, upang maiwasan ang pagkalat pa ng Covid-19.

Paniniguro pa niya, tuluy-tuloy pa rin ang kanilang disinfection activities sa lahat ng mga tren at mga istasyon.

“We urge all rail operators to undertake these measures with the health and safety of each commuter on top of mind. Let us work together to ensure the safety of everyone during these challenging times,” dagdag pa ni Aquino.