Kung usaping love team sa Pilipinas daw ang pag-uusapan, may mas "K" o karapatan daw si Phenomenal Star Maine Mendoza na magsalita laban dito, lalo na't hindi naman daw nauwi sa totohanang relasyon ang tambalan nila ni Pambansang Bae at tinaguriang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards, sa kasagsagan ng "AlDub Phenomenon."
Matatandaang noong 2015 ay halos walisin ng AlDub ang lahat ng sikat na tambalan sa Pilipinas dahil sila lamang ang talagang tinitilian ng mga tao, na eventually ay nagpalugmok pa nga sa morale ng kalaban nilang noontime show na "It's Showtime," ayon na rin sa pag-amin ni Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda.
Hanggang sa maging isyu na nga ang tila "mala-kultong" pagtrato na raw ng ilang AlDub fans, lalo na ang mga nakatatanda, kina Alden at Maine at naniniwala pa silang mag-asawa't may anak na ang dalawa.
Bagay na matagal at paulit-ulit nang pinabulaanan nina Alden at Maine. Sa ngayon, si Maine ay malapit nang ikasal sa fiance niyang si Kapamilya actor-politician Arjo Atayde. Si Alden naman, single pa rin at pribado kung anuman ang kaniyang mga detalye patungkol sa buhay-pag-ibig.
Anyway, ayon sa mga netizen, mas may karapatang kumuda ni Maine patungkol sa love team subalit mas pinili nitong manahimik at huwag magsalita patungkol sa kalakarang ito sa Philippine showbiz.
Marami kasi ang nagtaas ng kilay sa mga pahayag ng dating Kapamilya star na si Liza Soberano patungkol sa love team, as if naman daw na hindi siya sumikat nang husto dahil dito, at naging daan pa nga upang makilala ang boyfriend ngayong si Enrique Gil. Kung tutuusin nga raw, "da hu" pa rin siya hanggang ngayon kung hindi lang daw "binuhat" ng kasikatan at mga tagahanga ni Quen.
Mababasa sa social media page na "Kapamilya Online World" ang hanash ng isang netizen tungkol sa isyu.
Nasusulat, "A netizen once said: 'What's with the loveteam issue ba? Ang tunay na magaling na artista kahit nasa loveteam or wala talagang magniningning 'yan kasi nga MAGALING. It's just a matter of patience. Kasi dadating ang time mo for individual project(s) kahit nagsimula ka sa loveteam.“
“Sa totoo lang ang may karapatan na magreklamo ay si Maine Mendoza lang kasi kulto na yung loveteam niya. Hahahahaha."
Umani naman ito ng iba-ibang palagay mula sa netizens.
"True haha 😂 kung makareklamo si L about loveteam akala mo di sumikat at yumaman, laking pakinabang nga niya sa loveteam nila ni Quen kasi kung hindi dahil kay Quen at fans 'the who' pa rin siya ngayon 😂 isa pa, wala naman siyang ma offer sa madla aside sa mukha wala naman siyang talent #realtalk lang."
"Ewan ko ba do'n sa isang tahol nang tahol eh ang dami namang naging love teams ang naging successful kahit nag-solo na sila like Judy Ann Santos, Maricel Soriano, Sharon Cuneta, Nadine Lustre, Kim Chiu, Albert Martinez, Alden Richards, Piolo Pascual and many more pa…"
"Yung mga basher lang naman ang maiissue para ma-bash nila si Liza mamatay na sila sa inggit dahil yung idol nila di kayang gawin ang ginagawa ni Liza ngayon sa South Korea at Hollywood. Sinabi lang ni Liza ang advantage at disadvantage ng loveteam dahil iba ang showbiz sa South Korea kinuwento lang n'ya yung loveteam culture…"
"It's showbusiness, know your market. Alangan naman na magbenta ka ng sandamakmak na tanning lotion sa Pinas eh ang mga Pinoy mahilig magpaputi. Lugi negosyo."