Susuportahan ng Estados Unidos ang modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa inilabas na pahayag White House, binanggit ng nasabing opisyal na saklaw ng suporta ang pagpapalawak sa maritime at tactical capacity ng AFP.

Aniya, kasama ang nasabing usapin sa ilalatag ni United States President Joe Biden sa nakatakdang pakikipagpulong sa kanya ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Nilinaw ng U.S. administration official nabahagi lamang ito ng sunud-sunod na hakbang ng kanilang bansa upang lumalim pa ang alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Kasama rin aniya sa suporta ng U.S. sa Pilipinas ang pagbibigay nito ng tatlong eroplanong C-130 at ilang Cyclone-class coastal patrol vessel.

Matatandaang umalis sa bansa si Marcos nitong Abril 30 patungong Amerika para sa limang araw na official visit upang mapatibay pa ang relasyon ng dalawang bansa.

Philippine News Agency