Iniulat ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nitong Martes na nasa 23,527 manggagawa ang nakinabang sa ipinagkaloob nilang libreng train rides noong Labor Day, Mayo 1.

Ayon sa MRT-3, ang mga naturang manggagawa ay mula sa pribado at pampublikong sector.

Sa datos na inilabas ng MRT-3, nabatid na mayroong 9,486 na manggagawa ang nagbenepisyo sa libreng sakay mula 7:00AM hanggang 9:00AM, habang 14,041 naman ang nakapag-avail nito mula 5:00PM hanggang 7:00PM.

Samantala, nakapagtala naman ang MRT-3 ng kabuuang 201,321 na pasahero na sumakay ng linya sa nasabing araw.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Nabatid na kinailangan lamang ng mga manggagawa na magpakita ng kanilang company ID o government-issued ID sa security personnel sa service gate ng mga istasyon upang makasakay ng libre sa MRT-3.

Una nang sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang libreng sakay ay tugon ng MRT-3 sa kahilingan ng Department of Labor and Employment para sa mga manggagawa bilang pagpupugay sa kanila sa kanilang espesyal na araw.

"Isang mainit at makabuluhang pagbati para sa lahat ng manggagawang Pilipino sa kanilang pagdiriwang ng Labor Day. Nawa sa aming LIBRENG SAKAY ay naiparamdam ng MRT-3 ang aming pasasalamat at pagbibigay-pugay sa inyong hindi matatawarang sipag at sakripisyo para sa ating bansa,"ayon kay DOTr Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.