Magpapatupad muli ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Mayo 2.
Sa magkakahiwalay na abiso ng mga kumpanya ng langis, aabot sa ₱1.50 ang itatapyas sa kada litro ng gasolina.
Nasa ₱1.50 at ₱1.40 naman ang ibabawas sa bawat litro ng diesel at kerosene, ayon sa pagkakasunod.
Ito na ang ikalawang sunod na linggong price adjustment sa petroleum products.
Kabilang sa mga kumpanyang magpapatupad ng bawas-presyo ang Chevron Philippines inc. (Caltex), Pilipinas Shell Petroleum Corp., Seaoil Philippines Corp., Cleanfuel, Petro Gazz, at Phoenix Petroleum Philippines.
Nitong nakaraang linggo, nagpatupad din ng tapyas-presyo sa kanilang produkto ang mga oil company sa bansa.