Ikinamangha ng mga netizen ang panibagong variant ng kimchi na sadyang pina-develop ng embahada ng Pilipinas sa Korean experts---ang okra kimchi!

Dahil sa kasikatan ngayon ng naturang Korean side dish sa buong mundo, naisipan ng embahada ng Pilipinas sa Seoul, South Korea na lumikha ng isang authentic twist ng kimchi na may tatak-Pilipino.

"The Philippines is the only country supplying the highly nutritious okra in fresh form," pahayag ni Maria Alilia Maghirang, Agriculture Attache ng Philippine Agriculture Office sa Seoul, ayon sa ulat ng The Korea Times.

Ang ibang bansang nagluluwas ng okra sa South Korea gaya ng China at India ay naka-frozen na, hindi raw gaya sa Pilipinas na talagang sariwa at masarap pa. Ito raw ang dahilan kung bakit pumayag ang kimchi producer na si Narichan CEO Moon Sung-ho na makipag-collaborate sa embahada ng Pilipinas sa kanilang bansa upang makapag-produce ng kauna-unahang okra kimchi.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Ginawa rin ito bilang simbolo ng cultural at economic exchanges ng dalawang bansa. Tiniyak naman ni Sung-ho na makakapasa ang okra kimchi recipe sa mga Koreano, Pilipino, at "international taste buds."

"The Philippine Embassy through Philippine agriculture will continue to intensify its promotion of the fresh okra in Korea. Considered as a super food, it offers a lot of nutritional value and benefits for health-conscious consumers in Korea," dagdag naman ni Maghirang.