Ikinagulat ng mga netizen maging ng vlogger na si "Miss Ginbilog" ang set-up sa kaniyang birthday party, kung saan tila naging lamayan dahil sa nakatirik na kabaong sa gitna ng venue.

Nawindang ang mga dumalo sa kaniyang birthday party dahil nakalagay sa loob ng ataul ang mga pagkaing handa para sa kaniyang kaarawan.

Bukod sa kabaong ay may mga bulaklak din ng patay sa paligid nito, at may tarpaulin na ang mababasa ay "Hindi pa patay, malapit nang maubos ang atay kakatagay!"

"Mukhang hindi mauubos yung handa ko kahit marami akong bisita," biro ni Miss Ginbilog.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Hindi naglaon at pinatanggal din ng birthday celebrator ang kabaong sa request na rin ng mga bisita.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Sa ngalan ng pera at views, jusko lahat na lang ng pagpapaandar gagawin."

"Huwag ka lang sana mabalikan ng bad karma."

"Baka biglang magkatotoo 'yang mga paandar mo? Hindi ka makakain."

"Maryosep haha hindi ako kakain sa ganyan."

"Di n'yo kilala si Miss Ginbilog? Ganyan lang talaga siya!"

"Cool hahaha, arte ng mga tao, kumakain nga kayo sa lamayan eh."

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!