Humingi na ng paumanhin si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista kaugnay sa naranasang ilang oras na pagkawala ng suplay ng kuryente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 nitong Lunes ng madaling araw.

Aniya, nakansela at naantala ang biyahe ng mga pasahero dulot na rin ng insidente.

Nangako rin ang opisyal na hindi na mauulit ang insidente dahil nakikipag-usap na sila sa mga kinatawan ng Manila Electric Co. (Meralco) kaugnay sa usapin.

Nagpasalamat din ang opisyal sa agarang tulong ng Meralco kaya naibalik ang suplay ng kuryente sa paliparan matapos ang pitong oras.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Magsasagawa rin ng technical assessment ang Manila International Airport Authority (MIAA) at Meralco, sa tulong na rin ng independent third party expert upang madetermina ang sanhi ng power interruption.