Limang beses pang yumanig ang Kanlaon Volcano sa nakaraang 24 oras.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang volcanic earthquake nitong 5:00 ng madaling araw ng Abril 30 at 5:00 ng madaling araw ng Mayo 1.

Hindi rin nawawala ang pamamaga ng bulkan na nagbuga rin ng 1,099 tonelada ng sulfur dioxide nitong Abril 30.

Nasa level 1 pa rin ang alert status ng bulkan at ipinagbabawal pa rin ang paglapit at pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ).

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Idinagdag pa ng Phivolcs, posible pa rin itong magkaroon ng phreatic explosions anumang oras.