Isang araw bago ang Araw ng Manggagawa o Labor Day, hinikayat ni Camarines Sur 2nd district Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte ang Kamara na ipasa na ang dalawang panukalang batas para umano sa kapakanan ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Sa kaniyang pahayag nitong Linggo, Abril 30, hinikayat ni Villafuerte, majority leader ng powerful Commission on Appointments (CA), na gawing prayoridad ang House Bill No. 1851 at House Bill No. 1849.

Ang House Bill No. 1851 ay naglalayong pataasin ang salary grade level, mula Grade 11 hanggang Grade 19, ng mga guro sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at high school. Nararapat umano itong isabatas sa gitna ng walang tigil na pagtaas ng halaga ng pamumuhay sa bansa.

Samantala, layon ng House Bill No. 1849 na gawing permanente ang school supply allowance na P5,000 na natanggap ng mga guro sa pampublikong paaralan sa panahon ng Covid-19 pandemic. Nakalagay rin sa panukala ang patuloy na pagtaas ng allowance bawat taon.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Saad ni Villafuerte, sa kabila ng kanilang mabigat at mahalagang tungkulin bilang “agents of constructive intellectual, social, cultural, political and moral change” sa lipunan, ang mga guro sa mga pampublikong paaralan ay kabilang sa mga manggagawang may pinakamababang suweldo sa bansa.

“Increasing their takehome pay and providing for a permanent teaching supplies allowance with a provision for a steady bump per school year will hopefully incentivize them to strive for excellence in their field and make teaching a more attractive profession for our students,” saad saad ng kongresista.

Inaasahan umano ni Villafuerte na maaprubahan ng mababang kamara ang mga nasabing panukalang batas sa pagpapatuloy ng mga sesyon sa Mayo 8.